top of page

 ABOUT 

ALIW BATA 

Ang grupong Aliw Bata ay gumagawa ng isang proyekto tungkol sa Nasyonalismo dahil ito ay isa sa mga pinaka importanteng bagay ngunit ay hindi nabibigyang pansin ng karamihan. Kaya nais ng grupong Aliw Bata na simulan ang pagtitibay ng Nasyonalismo sa Kabataang Pinoy sa pamamagitan ng paggawa ng maiikling pelikula, animations at advocacy posters sa tulong ng blog na ito at ng social media.

​

Mission: Pagtibayin ang Nasyonalismo ng Kabataang Pinoy

​

Vision:  Na makita ang kabataang Filipino na lumaking matibay ang pag mamahal sa sariling bansa at hindi nahihiyang magyabang sa gandang mayroon ang Pilipinas at mga Filipino.

 Who are we 

Kami ay mga estudyante De La Salle College of Saint Benilde at ang kursong aming kinukuha ay Multimedia Art at sa ngayon ay ginagawa namin ang aming thesis. Pinili namin ang ideyang ito upang makatulong sa pag unlad at pagpapaganda ng Pilipinas.

Margeri Abordo (Writer)

​

       Si Margeri Abordo ay isang scholar ng School of Design and Arts. Habang sa kanilang MMCOMRE, pinagawan sila ng proyekto. Kasama sila Erika De Castro at Justin De Dios, nakagawa sila ng thesis tungkol sa nasiyonalismo. Naniniwala si Margeri na ang nasiyonalismo ay isa sa pinaka importanteng paktor sa paggawa ng mas buting bansa. Kaya sila ay nagpropropose at gumagawa ng thesis na iisa ang nasa isip at yun ay makita ang mga kabataang Pinoy na mahalin at alagaan ang Pilipinas.

 Aliw Bata Blog: 

 

Ang Aliw Bata Blog ay nag lalaman ng mga artikulong nagpapakita ng iba't ibang bagay na may kinalaman sa Pilipinas o sa pagiging Filipino gaya ng talento, produkto, video, larawan at marami pang iba. Ang blog na ito ay makakatulong upang mapagtibay ang Nasyonalismo ng Kabataang Pinoy. 

​

​

​

Erika De Castro (Researcher)

​

Si Erika De Castro ay isang estudyante at ang kaniyang kurso ay AB Multimedia Arts. Gumawa siya ng proyekto kasama sila Justin De Dios at Margeri Abordo tungkol sa paraan kung paano maitatatak ang nasiyonalismo sa mga batang Filipino. Malaki ang paniniwala niya na kailangan tangkilikin ng mga batang Pinoy kung alin ang saatin at bigyang halaga ang mga lokal na produkto imbis na piliin ang mga gawang dayuhah.

Justin De Dios (Designer)


    Siya ay 17 taong gulang na estudyante. Nakakuha siya ng mataas na marka pagka graduate noong highschool. Para sakaniya, ang pagmamahal sa sariling bansa ay makakatulong sa sarili at sa bansa na umunlad kaya't napagdesisyonan niya na gumawa ng thesis kasama sila Margeri at Erika upang matulungan ang mga Filipino at ang Pilipinas na magkaroon ng mas mabuting buhay sa kanilang bansa.

© 2023 by Aliw Bata. Proudly created with Wix.com

Background image from wall.alphacoders.com

bottom of page