top of page

Kabataan at Nasiyonalismo

Unti-unti na nga bang nawawala ang nasiyonalismo ng mga kabataan sa henerasiyong ito? Maari.

Hindi maiiwasan ang pangyayaring ito dahil marami-rami narin ang pinapalabas sa telebisyon na galing ibang bansa at halos lahat ng mga gadgets na gamit ng mga kabataan ngayon ay hindi gawang lokal dahil nasa isipan nila na hindi kasing ganda ang kalidad ng mga ito kung ikukumpara mo sa mga produktong gawa ng mga dayuhan.

Isa ako sa mga taong hindi sangayon dito dahil kahit na ang mga kagamitan natin ay hindi nasa lebel ng mga ibang bansa; ang mga kalidad naman ng ating mga produkto na inilalabas ay magaganda.

Isang halimbawa ang kauna-unahang 3D film animation sa Pilipinas ang RPG Metanoia na napagkalooban rin ng maraming awards sa isang film festival na ginanap rito sa ating bansa; Maganda ang kalidad at orihinal ang konsepto ngunit hindi popular dahil bilang lamang ang nanood at tumangkilik nito. Isa sa mga dahilan ng mga kabataan kung bakit hindi nila ito pinanood dahil BAKA daw hindi maganda at sayang lamang ang pera at mas gugustuhin na lamang nila panoorin ang bagong labas na 3D film na gawa ng ibang bansa.

Mahirap tanggapin na mas gugustuhin pa nila suportahan ang gawa ng iba kaysa sa sariling atin kaya ang pangunahing tungkulin namin ay bigyang kamalayan ang mga kabataan tungkol sa mga magagandang kalidad na gawang lokal na hindi gaanong kilala upang masubukan nila ito.

Ang pinakaimportante naman naming tungkulin ay palakihin ang kahulugan ng nasiyonalismo sa mga puso ng kabataan upang maiwasan ang insidente dati tungkol sa isang lalakeng estudyante na ginamit ang bandila ng Pilipinas kapalit ng mop dahil kung iisipin mo; kung malaki ang kahulugan ng nasiyonalismo niya ay hinding-hindi niya iyon magagawa dahil may respeto siya sa ating bansa.

Unti-unting nawawala ang nasiyonalismo sa kabataan ngunit marami parin kaming umaasa na sa bandang huli ay hindi mawawala ang pagmamahal nila sa inang bayan.

 
 Aliw Bata Blog: 

 

Ang Aliw Bata Blog ay nag lalaman ng mga artikulong nagpapakita ng iba't ibang bagay na may kinalaman sa Pilipinas o sa pagiging Filipino gaya ng talento, produkto, video, larawan at marami pang iba. Ang blog na ito ay makakatulong upang mapagtibay ang Nasyonalismo ng Kabataang Pinoy. 

​

Ang blog na ito ay isang proyekto na ginawa ng mga estudyante ng De Lasalle - College of Saint Benilde.

 RECENT POSTS: 
 SEARCH BY TAGS: 

© 2023 by Aliw Bata. Proudly created with Wix.com

Background image from wall.alphacoders.com

bottom of page