The Filipino Scribe
The Filipino Scribe

Ang The Filipino Scribe ay isang website na hawak ni Mark Pere Madrona. Si Mark ay isang bihasang manunulat at blogger na nagtamo ng mga parangal at isa sa mga ito ay ang Best Online Feature Article in Youth and Education kung saan siya ay nagtamo ng 3rd place. Si Mark ay nanungkulan rin sa local academic publishing company kung saan siya ay isang instruktor para sa ilang tertiary institutions sa Metro Manila. Hindi maikakaila si Mark sa kanyang kahusayan sa larangan ng pagsusulat, kaya naman, ang tinaguriang the Filipino Scribe ay namamahagi na rin ngayon ng kanyang karunungan sa mga mangangaral ng De La Salle College of Saint Benilde.
Sa kabila ng kanyang hilig at pagmamahal sa pagsulat, si Mark ay isa ring kumpetetibong manunulat. Sa murang edad palang, siya ay nakabilang na sa maraming mga paligsahan tulad ng quiz bees, spelling contests, at essay writing tilts. Kaya naman, si Mark ay nagtamo ng parangal sa AllVoice.com’s American Pundit Competition noong nakaraang Hunyo 2012, at hindi lamang ito. Siya ang pinaka unang Asyanong nanalo sa patimaplak na ito!
Ang pagbo-blog ay isa na rin ngayon sa mga nakahihiligan ni Mark. Noong 2007, nagsimula si Mark magsulat ng kanyang mga blogs na umabot na sa humigit 200 posts. Isa sa mga bunga ng kanyang hilig sa blog ay ang kanyang paggawa ng The Filipino Scribe. Sa Filipino Scribe, makikita ang kanyang mga isinulat patungkol sa pinakasariwa at pinakabagong mga balita, komentaryo sa pulitika, at iba pang mga bagay na nagbibigay impormasyon sa mga mamamayan, makakatagpo rin dito ng mga katatawanan at kung anu-ano pang mga nagbibigay aliw.
Nais ng Aliw Bata na anyayahan ang mga Pilipino na bigyang pansin at suportahan ang mga Pilipinong manunulat tulad na lamang ng The Filipino Scribe na gawa ni Mark Pere Madrona. Hindi maikakaila na walang katulad ang galing Pinoy. Makikita ito sa mga kaliwa’t kanang parangal na natatanggap ng bansa mula sa mga taong mapagpunyaging isinasagisag ang Pilipinas. Ngunit sa kasamaang palad, hindi nabibigyan ng sapat na suporta ang mga ito. Kaya naman, nais ng Aliw Bata na bigyan muling pansin ang mga Pilipinong tulad ni Mark. Naniniwala ang Aliw Bata na para umunlad ang isang bayan, hindi lamang ang suporta ng pamahalaan ang kakailanganin nito, kundi pati na rin ang suporta ng sambayanang Pilipino.