Sinigang!
Sinigang

Lahat ng Pilipino ay alam ang sikat na Sinigang. Marami ang nabighani sa natatangi nitong lasa kaya naman ito ay nagkaroon ng iba’t ibnag beryson. Mayroon tayong Sinigang na Bangus, Sinigang na hipon at syempre hindi mawawala ang pinakamasarap sa lahat ayon sa karamihan, ang nag-iisang Sinigang na baboy. Hindi maikakaila na ang Sinigang ay isa sa pinaka masarap at katakam-takam na pagkain sa mga lutong Pinoy.
Sa lahat ng mga kainang Pilipino, karenderya man iyan o mamahaling kainan, hinding hindi mawawala ang Sinigang. Isa sa mga sikreto ng sarap ng Sinigang ay ang kumbinasyon ng tamis at asim. Ang kakaibang lasa nito ay gumagawa ng halimuyak na talaga naming gugutumin ka! Isa pa, ang Sinigang ay hindi basta bastang pagkain, ito rin ay sumisimbolo sa mga Pilipino noon magpahanggang ngayon, na kahit saan man mapadpad ang isang Pinoy, lalabas at lalabas ang natatangi nitong ganda at husay.