Kamao ng Pilipinas
MANNY "PACMAN" PACQUIAO

Kilala si Manny "Pacman" Pacquiao bilang isang magaling na manlalaro sa larangan ng boksing at tinatangkilik siya bilang pinakamagaling na buksingero sa buong mundo. Dahil sa husay, nagkaroon ng maraming panalo si Pacman na siyang tumulong mag angat sa kanilang buhay. Minsan na siyang nagkaroon ng malaking pagkatalo kung saan maraming kumutya dahil ang tinutukoy na dahilan ng marami ay ang kanyang pagpapalit ng relihiyon. Pero hindi dito nagpatinag si Pacman, pinagpatuloy niya parin ang kanyang pageensayo pati narin ang kanyang pananalig sa Diyos. Dahil dito, nagkamit ulit ng malaking pagkapanalo si Pacman na nagdala ulit sakanya sa tuktok ng boksing. Si Pacman ay laki sa hirap. Dati siyang construction worker na sumabak sa mundo ng boksing. Mahirap man ang tinahak nitong landas, dahil sa angking gali
ng at pagsisikap, siya ay isa na ngayon sa pinakamayamang mamamayan sa bansa. Kahit isa na siya sa mga sikat na tao sa buong mundo, hindi parin nawala kay Pacman ang kanyang busilak na puso lalo na sa mga mahihirap.