Perlas-ng-Silanganan
Perlas ng Silanganan
May rason kung bakit ang ating bansa ay ang perlas ng silanganan at ito ay dahil sikat sa mga mineral at natural na mga elemento ang Pilipinas sa pagka’t mayroon tayong 7,107 na mga isla kaya’t hindi na kinakailangan na lumipad pa sa ibang bansa para makakita ng mga magagandang isla.
Nakalista sa baba ang mga isla na hindi gaano ka kilala ngunit kasing o mas maganda pa ito kaysa sa mga madalas na dinadayuhan ng mga tao.
1. Quiminatin Island,Palawan

Ang beach naito ay isang paraiso na halos wala pang nakakarinig sapagkat hindi ito madalas dayuhin ng mga turista o ng mga tao. Ito ay makikita sa kalagitnaan ng mga islang Cuyo.
2. Kalanggaman Island, Leyte

Ang islang ito ay hindi gaano kasikat ngunit habang tumatagal ay marami-rami narin ang mga dumadayo upang makita ang kagandahan ng isla. Sakaliwa, ang tubig ay hindi gaano kalakas at sapat lamang ito para sa mga lalangoy samantalang sa kanan naman, ang tubig ay mas malakas ang mga alon.
3. Salagdoong Beach, Siquijor

Marami ang nag babakasakali na pumunta dito sa islang ito dahil sa pagiging mapamahiin ng mga tao ngunit kung nais mong hamon sa buhay na subukan ang iyong tapang, dayuhin mo ang Salagdoong. Maganda, malinis at tahimik kahit na pampubliko ang isla.
4. Black Island (Malajon Island), Palawan

Halos lahat na nais mong Makita sa isang isla ay andito na. Putting buhangin, apog na talampas at kahit kuweba na may natural na tubig sa loob! Meron pang lubog na barko ng mga hapon noong malapit sa baybayin.
5. Apo Reef, Occidental Mindoro

Ang isla ay kilala bilang pangalawa sa may pinakamalaking mag kakadikit na mga coral reef sa buong mundo. Sobrang linis ng tubig ay maari mong makita ang mga buhangin sa ilalim ng dagat.