top of page

Snake Island sa Palawan!


Snake Island - El Nido Palawan!

Kilala ang Palawan sa isa sa may pinakamaraming magagandang isla sa Pilipinas, isa sa grupo ng mga isla na ito ay kilala sa tawag na “El Nido” at sa El Nido ay may isang isla na kapansin pansin at nakaka engganyo sa mga turista dahil sa kakaibang hugis nito, ito ay ang “Snake Island”.


Ang Snake Island ay nakakakuha ng atensyon sa marami, hindi lang dahil sa ganda ng tanawing makikita, sa linaw ng tubig at sa masaganang lamang dagat kundi sa hugis nitong parang ahas. May pagkakataon na hindi maaring makapunta dito sapagka’t pag high tide ay lumulubog ang ibang parte ng isla at maliit nalamang na parte ang maaring mong malakaran.


Maari mong makita ang masaganang lamang dagat sa pagsisid. Maari mo ring lakarin ang dulo ng isla upang makita ang isang maliit na bundok na pwede mong akyatin ang tuktok upang makita ang napakagandang tanawin at ang buong hugis ng isla.

 Aliw Bata Blog: 

 

Ang Aliw Bata Blog ay nag lalaman ng mga artikulong nagpapakita ng iba't ibang bagay na may kinalaman sa Pilipinas o sa pagiging Filipino gaya ng talento, produkto, video, larawan at marami pang iba. Ang blog na ito ay makakatulong upang mapagtibay ang Nasyonalismo ng Kabataang Pinoy. 

Ang blog na ito ay isang proyekto na ginawa ng mga estudyante ng De Lasalle - College of Saint Benilde.

 RECENT POSTS: 
 SEARCH BY TAGS: 

© 2023 by Aliw Bata. Proudly created with Wix.com

Background image from wall.alphacoders.com

bottom of page